2 torture cops humarap sa korte matapos sumuko

SUMULANG sa unang pagdinig sa korte ang dalawang pulis na akusado sa pagtortyur sa isang preso sa Asuncion PCP sa Tondo, Maynila.

Sina SPO1 Rodolfo Ong at PO2 Rex Binayug ay sumuko sa Manila City Jail noong Abril 11 matapos makailang ulit na makapagpadala ng fillers laban sa dalawa.

Ayon kay Manila City Jail Warden SSupt. Ruel Rivera, handa ang dalawang akusado na harapin ang anomang kaso laban sa kanila para linisin ang kanilang pangalan.

Nahaharap sina SPO1 Ong at PO2 Binayug sa kasong paglabag sa Anti-torture Act of 2009 kasama ang dating hepe ng Asuncion Police Community Precinct na si P/Insp. Joselito Binayug na hindi na mahagilap ngayon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply