2 trak nagliyab

NAGLIYAB ang dalawang trak na may kargang copra at patungo sanang Metro Manila sa Maharlika highway, Quezon province kaninang umaga, (Abril 15).

Sa kabutihang palad, walang nasugatan at kaagad namang naapula ang apoy ng mga rumespondeng bumbero.

“Yung dalawang truck na may kargang copra nakaparada sa Barangay Calumpang (Tayabas), nasunog mga 7:20 a.m…. Gawa siguro nagkaroon ng pressure ang karga nilang copra,” pahayag ni Martinez.

Nabatid pa na ang mga trak ay ilang metro na lamang ang layo sa isang gas station nang bigla itong sabay na nagliyab.

Hinihinalang electrical wiring kung kaya nasunog ang dalawang sasakyan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply