2 utas sa bakbakan ng MILF at MNLF sa Basilan

PATAY ang dalawa habang 13 iba pa ang nasugatan sa tumitinding awayan ng Moro Islamic Liberation (MILF) at ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Albarka, Basilan, kahapon (Abril 1).

Ayon kay police director Felicisimo Khu, head ng PNP Directorate for Integrated Police Operations sa Mindanao kabilang sa mga namatay ang sub-leader ng MILF at Abu Sayyaf group (ASG) na si Long Malat Sulayman.

Inihayag ni Khu na inambus ng grupo ni Acertain Mallapin ng MNLF ang grupo ni Malat na nagresulta pagkasawi ng dalawang kasamahan nito at pagkasugat ng 13 iba pa sa Barangay Kuhon, Lennuh sa bayan ng Albarka.

Napag-alaman na si Long Malat ay isa rin sa itinuturong nanguna sa pamumugot ng ulo ng 13 mga miyembro ng Philippine Marines sa Basilan noong Oktubre 2009.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply