20 CIDG officials, tauhan sinibak ng PNP

UMAABOT sa 20 opisyal at tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang sinibak ng Philippine National Police (PNP) dahil sa pagkakasangkot sa iba’t ibang kaso.

Kasama sa inalis sa pwesto ni PNP Chief Director General Nicanor Bartolome si Police Senior Superintendent Rodel Sermonia, hepe ng Task Force Maverick ng CIDG.

Nabatid na inireklamo si Sermonia ni Liquefied Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA) Partylist Representative Arnel Ty ng pakikialam at pagpigil sa pagsisilbi ng search warrant sa mga nagre-refill ng LPG na kulang ang timbang.

Kasama ring sinibak si Police Supt. Ruben Lacuesta at kanyang mga tauhan na natakasan ng Korean fugitive habang siya pa ang hepe sa Southern Metro Manila CIDG.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply