20 turista nasagip sa nagkaaberyang banca

NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Navy ang may 20 pasahero at crew members makaraang nagkaaberya ang isang motorized banca, karamihan ay foreign tourists, sa Dauin sa Negros Oriental nitong Martes ng umaga, Abril 4.

Ayon sa awtoridad, narating ng crew members ng Navy gunboat BRP Jose Andrada ang nagkaaberyang banca malapit sa Apo Island, alas 11:24 a.m. ng Martes.

Sinabi ni Lt. J.G. Froilan Villariza, executive officer ng BRP Andrada, ang mga nasagip na mga pasahero ng MB Esmeralda del Mar ay dinala sa Apo Island.

Ayon sa ulat, kabilang sa mga pasaherong nailigtas ay ang 10 Americans, 2 British, 1 German, at 3 Filipinos.

Nabatid na nawalan ng rudder ang motorized banca, mga 5 nautical miles sa hilaga-silangan (northeast) ng Apo Island habang papalapit sa Coco Grove Resort sa Siquijor Island.

Hinala naman ni Villariza na ang malakas na pag-alon ang maaring nagdulot sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply