200 kilo ng ‘botchang’ karne nasamsam sa Maynila

NASAMSAM ng mga awtoridad ang may 200 kilo ng karneng botcha sa likod ng Paco Market sa Maynila kagabi (Abril 17).

Ayon sa National Meat Inspection Service (NMIS) dapat na mag-ingat ang publiko sa mga double dead na karne.

Ayon sa NMIS, nagkakamatay ang mga baboy ngayon dahil sa sobrang init ng panahon.

Habang nagsasagawa ng inspeksyon ang Task Force Bantay Karne sa palengke ay isang concern citizen naman ang nagturo sa ilang sako na naglalaman ng mga botchang karne na ibebenta sana sa Paco Market.

Pinayuhan ng awtoridad ang publiko na dapat busisiin mabuti ang mga bibilhig karne dahil sa kabila ng paghihigpit sa pagbebenta ng mga botchang karne ay marami pa rin ang gumagawa nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply