200 preso sa bansa isasailalim sa IT training

AABOT sa 200 preso sa Metro Manila District Jail (MMDJ) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City ang kauna-unahang batch na makatatanggap ng libreng training sa information technology sa pamamagitan ng “BILIB IT” (Believe in IT),  pinagsanib na proyekto ng Informatics College, isa sa nangungunang  information-technology schools sa bansa, at ni Senator Alan Peter Cayetano.

Sa ilalim ng naturang proyekto, magtatayo si Cayetano at ang Informatics ng training center sa loob ng MMDJ na may  10 computers sa paghahasa sa mga preso.

Ang grupo ng mga perso, na pinili sa tulong na rin ng jail officials at may security considerations, ay isasailalim sa training ng basic computer literacy at computer hardware servicing, tatlong oras sa isang araw, pahayag kaninang umaga ni Informatics CEO Leo Riingen sa isang conference sa Informatics College sa Eastwood City commercial center sa Quezon City.

“Our jails have never been a venue for rehabilitation. As we know, it’s a country club for the rich, but for the poor, it becomes punishment for the families of detainees,” pahayag ni Cayetano.

“Why not give training to Filipinos who need a second chance? These people are everywhere. In Cebu, [detainees] actually dance. In Muntinlupa City, they do artwork and handicrafts. In Quezon City, they are trained to play basketball,” pahayag naman ni Riingen.

Naniniwala rin si Riingen na kapag may computer literacy ang isang preso, makatutulong ito kapag sila ay nakalaya na para makapanimula ng panibagong buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply