20,000 bagong guro tutulong sa K+12

TINATAYANG 20,000 bagong guro ang tutuolong sa implementasyon ng K+12 program ng Department of Education (DepEd) kasunod ng
pagkakapasa sa Licensure Examination for Teachers na ibinigay ng Professional Regulatory Commission sa buong bansa.

Batay sa datos ng PRC at Board for Professional Teachers (BPT), nasa 13,925 guro sa elementarya buhat sa 32,798 examinees, 56 na nagtapos ng Accelerated Teacher Education Program (ATEP) at 7,149 guro sa high school ang pumasa sa Licensure Examination for Teachers (LET) na ibinigay nitong Marso 11, 2012 sa 12 testing centers sa buong Pilipinas.

Kaugnay nito, naniniwala si Education Sec. Armin Luistro na magiging malaking tulong ang mga bagong propesyunal na guro sa sistema ng
edukasyon na dadaan ngayon sa pinakamalaking pagsubok sa darating na pasukan sa pag-uumpisa ng pagpapatupad ng naturang programa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply