2011-2012 Car of the Year Philippines

SA WAKAS ay nakamit ng Hyundai Asia Resources Inc. o HARI ang prestihiyosong titulo.

Ito ay iginawad sa kanilang sasakyang Elantra nitong nakaraang 8th Annual Car of the Year Awards na ginanap sa Philippine Trade and Training Center sa Pasay City noong Marso 29 kasabay ng idinadaos ngayong 8th Manila International Auto Show sa kadikit na World Trade Center sa Pasay City.

Ang parangal ay tinanggap mismo ng reyna ng HARI, ang President and CEO na si Ms. Fe Perez-Agudo. Kitang-kita ang kasiyahang nadama ni Agudo nung siya’y pumanik sa entablado para sa kanyang acceptance speech. Siya’y nagpasalamat sa motoring media at sa mga patuloy na sumusuporta at naniniwala sa kanilang produkto. Matagal na itong hinihintay ni Agudo. Dagdag pa niya, “we at HARI will continue to provide the best vehicles and services to the motoring public for a better Philippines.”

Ang Car of the Year – Philippines ay nasa ilalalim ng Car Awards Group Inc. kung saan ang mga miyembro at bumubuo nito ay taga-print, TV, radio, at online motoring media na pinangungunahan ng kanilang pangulo na si Ferman Lao. Ang mga sasakyan ay dumadaan sa qualitative at quantitative tests na ginagawa sa Ortigas Home Depot at sa Clark International Speedway taon-taon.

Ang iba pang mga nanalo:

Basic Subcompact Car – Kia Picanto 1.0 M/T
Subcompact Car – Suzuki Swift 1.4 A/T
Compact Car – Hyundai Elantra 1.8 GLS A/T
Crossover – Kia Sportage 2.0
Luxury Mid-sized Car – Volvo S60 T4
Luxury  Compact Crossover – Mini Countryman S
Midsize SUV 4×2 – Mitsubishi Montero Sport 4×2 M/T
Midsize SUV 4×4 – Mitsubishi Montero Sport GTV 4×4 A/T
Luxury SUV – Ford Explorer V6 AWD
Pickup 4×2     – Mitsubishi Strada 4×2 A/T
Pickup 4×4     – Mitsubishi Strada 4×4 A/T

Special Awards:

Standard Insurance Worry-Free Award – Chevrolet Cruze Diesel
BOSCH Technical Innovation Award – My Ford Touch Sync (Ford Explorer)
AAP Road Safety Award – Volvo S60
Papa J’s Best Value Award – Kia Picanto 1.0 M/T
Caltex with Techron Enjoy The Journey Award – Nissan Teana 350XV
Cartridge World iSwap iCare Award – Suzuki Swift 1.4 A/T
All Terra All Activity Vehicle Award -Toyota Hilux 3.0G 4×4
Victoria Court Most Spacious Award – Foton MPX 2.8L CRDi Long Wheelbase
Red Rock Travel Most Affordable Car Award – Lifan LF320 M/T
Speedlab Tuner’s Choice Award- Hyundai Elantra 1.6 M/T
Clark International Speedway Motorsports Award – Tuason Racing School & Ford Group Phils.

Congratulations to all the winners!

*****

Paalala lang po, sa mga magdadala ng kanilang mga sasakyan pauwi ng probinsya para sa darating na Semana Santa, bago umalis ng bahay ay siguraduhing tama ang inyong mga tire pressure, magdala ng tools, tubig o coolant para sa radiator, Early Warning Device, at higit sa lahat ay iwasan ang pag-overload ng inyong mga sasakyan. Bagama’t andiyan ang Petron Lakbay Alalay ay mabuti na rin na lagi tayong handa.

Enjoy your vacation and God bless!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply