22-anyos na seaman nahulog sa condo, dedo

NAGKALASOG-LASOG at basag ang bungo ng isang 22-anyos na seaman nang aksidenteng mahulog sa beranda ng  tinutuluyan nitong condominium, kaninang umaga sa Sta.Cruz,Maynila.

Nakilala ang biktima na si Jonas Dupanay, tubong Lagawe, Ifugao at nanunuluyan sa Room 713 ng Lope de Vega Tower na matatagpuan sa panulukan ng Lope de Vega at Felix Huertas sts., ng lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, na wala pang 24 oras na nakakarating ang biktima sa bansa nang maisipan niyang “mag-good time” sa labas.

Umuwi itong lasing sa kanyang condominium kaninang alas-5:22 ng umaga at hindi inaasahang mahulog ito sa beranda.

Ayon sa janitor na si Rodolfo Masa, naglilinis siya ng sahig sa harap ng tower ng makarinig siya ng malakas na kalabog mula sa kanyang likuran.

Paglingon niya, nakita niya ang biktima na nakahandusay kaya agad niyang ipinaalam sa security guard na si Marcial Duron na siya namang tumawag sa himpilan ng pulisya.

Hindi naman masabi ni Masa kung papaano nahulog ang biktima pero hinala nito na umupo ito sa beranda habang hinihintay ang pagbukas ng pinto at dahil sa kalasingan ay nawalan ito ng balanse kaya nahulog sa ibaba.

Nakatakda sanang umuwi sa kanilang lalawigan ang biktima para dalawin ang kanyang mga magulang kung hindi naganap ang malagim na aksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply