22 OFW balik-Pinas ngayong araw

DALAWANGPU’T dalawang overseas Filipino workers (OFWs) ang inaasahang darating mamayang hapon at gabi mula sa Syria habang ipinagpapatuloy ng pamahalaan ang pagpapalikas sa mga kababayang naiipit sa mga kaguluhan sa nasabing bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), karamihan sa mga magbabalik-bayan na OFW ay mga kababaihan na inilikas sa lungsod ng Damascus.

Ang 12 sa mga OFW ay lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bandang 6:20 ng gabi, sakay ng Philippine Airlines PR 731, habang ang lima naman ay darating mamayang alas-3:55 ng hapon lulan ng Emirates Airline EK332.

Ang natitirang lima pa ay inaasahang magbabalik sa bansa bandang alas-9:55 ng gabi ng Emirates Airlines EK 334.

Karamihan sa mga OFW ay pansamantalang nanirahan sa halfway house ng embahada habang nakikipag-usap ang mga opisyal sa kanilang mga amo at sa pamahalaan ng Syri upang mabigyan ng exit visa.

Sinagot naman ng International Organization for Migration (IOM) ang pamasahe ng mga Pinoy worker.

Umaasa naman si Foreign Affairs Assistant Secretary Raul Hernandez na ipatutupad ng magkabilang panig ang ceasefire agreement na inisyatiba ng United Nations (UN) upang mapabilis ang pagpapalikas sa mga Pinoy na nais pa rin umuwi ng Pilipinas.

Umaabot na sa 1,243 ang mga OFW na nailikas sa Syria simula nang ipatupad ng pamahalaan ang sapilitang pagpapauwi sa mga ito noong isang taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply