22 sundalo sugatan sa Basilan bombing

UMABOT sa 22 sundalo ang sugatan sa pagpapasabog ng landmine sa Basilan kaninang umaga, habang ang 13th scout ranger company ay nagsasagawa ng security patrol sa Abong Abong peak, Barangay Mahatalang, bayan ng Sumisip.

Nabatid na alas-otso umaga kanina nang bigla na lang sumabog ang mga bomba na itinanim sa mapunong lugar ng naturang bundok.

Ayon kay Col. Ricardo R. Visaya, pinuno ng 104th Brigade ng Philippine Army na nakabase sa lugar, nagsagawa ng tuloy-tuloy na security patrols ang mga scout ranger pagkatapos makatanggap ng ulat tungkol sa presensya ng mga bandido sa lugar.

Agad-agad namang dinala sa bayan ng Sumisip ang naturang mga sugatang sundalo upang malapatan ng lunas at malipat sa ospital sa Zamboanga City.

Ayon kay Visaya, nagtamo ng mga shrapnel wounds ang mga sundalo at lima sa kanila ay kinailangang dalhin sa ospital upang malapatan ng lunas.

Kagyat namang nagpadala si Visaya ng isang huey chopper para sa casualty evacuation na isasagawa ng 104th brigade ng Philippine Army.

Matatandaan na noong nakaraang Marso, 15 sa mga bandidong Abu Sayyaf ang nasawi sa isang engkwentro sa Barangay Mahatalang pagkatapos na makubkob ng militar ang kanilang kampo at mabawi sa kanila ang mahigit kumulang sa dalawampung mga bomba na kanilang ginagawa sa naturang kampo.

Tuloy- tuloy naman ang pagsasagawa ng pursuit operations ng mga tauhan ng special operations task force na pinamumunuan ni Col. Ramon C. Yogyog upang tugisin ang may pakana sa naturang pambobomba ng teroristang grupo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply