23 iba’t ibang foreign currency napulot sa NAIA

DALAWAMPU’T TATLO na iba’t ibang pirasong foreign currencies ang napulot ng isang janitress sa ibabaw ng counter ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kanina lamang.

Ayon kay Airport police Lt. E. R. Ridad, napulot ng janitress na si Mary Jennifer Doroga ang mga pera na ang iba ay may kalumaan  na at itinuturing na demonetized currency.

Nabatid na habang nasa arrival area si Doroga ay napansin niya ang isang itim na

wallet na naiwang nakatiwangwang sa lapag ng customs booth.

Maagap na hinanap nito ang may-ari ng wallet subalit wala ni sinumang naghahanap tungkol sa kanyang napulot.

Kaya ipinaalam ni Doroga sa kanyang on-duty customs supervisor na si Ric Dizon ang napulot na wallet bago dinala ang demonetized foreign currencies sa airport police intelligence and investigation division.

“Sa anim na taon kong panunungkulan sa airport bilang janitress, ngayon lamang ako nakapulot ng ganito kalaking halaga,”  anang Doroga.

Ang iba’t ibang foreign currencies ay kinabibilangan ng isang pirasong 50 Francs, 1 US dollar, 10 UK pounds, 1 UK pound, 2,000 lire, 5 Singapore dollars, 1 Singapore dollar, 1 Riyal, 5 Riyals, 50,000 Romanian Lei, 10,000 Brazilian Real, 20 Dinara, 1,000 Dinara, 50 Vietnam, 500 Dinara, 1 Trinidad & Tobago dollar, isang sampung piso na Philippine money at isang fashion necklace.

Hindi na sinubukan pang i-convert sa Philippine peso ang mga nasabing foreign currency dahil hindi nila alam kung magkano na ang aabutin nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply