23 Pinoy mula Syria balik-Pinas ngayong araw

NAKATAKDANG umuwi sa bansa ngayon ang 23 Filipino na naiipit sa kaguluhan sa Syria.

Ang pagbabalik ng Pinoy ay kaugnay sa programang repatriation ng pamahlaan para sa mga overseas Filipino worker (OFW) na naiipit sa Syria.

Sakay ang iba sa mga OFW ng Philippine Airlines flight PR-731 na nakatakdang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mamayang pasado alas-6:00 ng gabi.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang panibagong batch ay darating sa magkahiwalay na flight ng Philippine Airlines at Thai Airways.

Matagumpay na makababalik ng bansa ang mga OFW sa pamamagitan ng mandatory repatriation program ng pamahalaan, makaraang itaas sa alert level 4 noong Disyembre ng nagdaang taon ang political tension sa buong Syria.

Muli namang iaalok ng Overseas Workers Welafare Administration ang reintegration program nito ang mga OFW na nakatakdang dumating ngayong araw.

Sasalubungin ang mga OFW ng mga kinatawan ng OWWA sa utos ni Administrator Carmelita Dimzon upang agapayan ang mga ito sa mabilis na paglabas ng paliparan.

Hinimok din ng DFA ang pamilya ng mga OFW na nasa Syria na makipag-ugnayan sa Office of the Usec. for Migrant Workers’ Affairs sa pamamagitan ng pagtawag sa hotline numbers na 834-32-45 o 834-32-40.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply