3-anyos natusta sa sunog sa QC, 2 sugatan

NATUSTA nang buhay ang 3-taong gulang na paslit, habang nasugatan naman ang kanyang nanay at isa pang kapatid makaraang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Payatas, Quezon City kaninang madaling-araw.

Kinilala ang namatay na si Mark John Contado, habang sugatan naman ang nanay nito na si Aiza Contado, at ang 2 taong gulang na kapatid na si Alaiza, pawang ng 29 Jade Street, Payatas B, QC.

Ayon sa nakalap na impormasyon mula kay Senior Supt. Bobby Baruelo, Quezon City Fire Marshall, naganap ang sunog alas-3:00 ng madaling-araw kanina sa loob ng kanilang bahay sa 29 Jade Street, Payatas B.

Nabatid sa arson investigator na si SFO2 Fortunato Alde, umabot sa 1st alarm ang sunog at ganap na nakontrol alas-3:20 ng madaling-araw.

Napag-alaman na mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light material ang bahay ng biktima.

May teorya ang mga arson investigator na maaaring nagmula ang sunog sa napabayaang nakasinding kandila dahil naputulan ng kuryente ang mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply