3 bagets nalunod sa Surigao; 2 pa missing

IMBES masaya, naging malagim na trahedya ang sinapit ng magkakapitbahay na nagkasa ng excursion nang tangayin ng malakas na alon ang tatlong paslit sa Surigao del sur province nitong Sabado ng hapon, Marso 31.

Habang isinusulat ang balitang ito, isa pa lamang sa tatlo na si Elizabeth Tariao, 13 ang natagpuan ang bangkay ng search and rescue operations, ayon kay Superintendent Martin Gamba, chief information officer ng CARAGA regional police.

Habang ang dalawa pang biktima na sina Conadel Peria, 13, at Jeffrel Rabina, 12 ay kapwa hindi pa rin natatagpuan.

Ayon kay Gamba, ang mga biktima at ang kani-kanilang pamilya ay nagkayayaang pumunta sa isang resort sa Barangay Banahaw sa Lianga town para sa isang summer outing nang maganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon.

Nagdagdag na ng search and rescue teams sa lugar para mahanap ang dalawa pang biktima.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply