3 bodyguards ng bank owner tinodas

PINATAY ng hindi pa nakikilang grupo ng kalalakihan ang tatlong bodyguard ng may-ari ng isang kilalang bangko sa Metro Manila na sinasabing target ng pamamaslang kagabi, Abril 7, sa Las Piñas City.

Nabatid na binawian ng buhay ang mga bodyguard ni Albert “Bobby” Aguirre, isang bank owner, na sina David Manguera, PO3 Luisito Macatunao at retirado at security officer na si SPO2 Melvin Padaca.

Naganap ang insidente sa loob ng bahay ng mga Aguirre sa BF Homes dakong alas-11:30 ng gabi.

Ayon sa opisyal, tatlong armadong lalaki ang malayang nakapasok sa bahay ng mga Aguirre bago pinagbabaril ang mga biktima.

Kinumpirma ng mga imbestigador na hindi pagnanakaw ang motibo sa insidente dahil walang tinangay na anumang bagay ang mga nagsitakas na mga suspek.

Hinihinalang target ng grupo si Aguirre na makailang beses nang nakatanggap ng pagbabanta sa buhay.

May hinala rin ang mga imbestigador na kilala ng mga biktima ang mga salarin kaya tuluyan na silang pinatay.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply