3 holdaper, parak, tsuper utas sa QC shootout

TATLONG holdaper, isang pulis at jeepney drayber ang napatay habang dalawa pa ang sugatan sa naganap na magkadikit na engkwentro sa pagitan ng pulisya at isang robbery holdup gang sa Quezon City kagabi (Abril 27).

Sa unang engkuwentro, napatay sina P03 Erwin Hipolito at ang jeepney driver na si Rommel Tinio, at isang hindi nakikilalang holdaper.

Sugatan naman ang kasama ni Hipolito na si P01 Cyril Agitong at isa pang jeepney driver na si Ignacio Rigor.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), naganap ang unang engkuwentro dakong alas-6:00 kagabi sa Regalado Avenue. Barangay Fairview.

Bago ito, nagdeklara ng holdap ang may pitong hindi nakikilalang armadong kalalakihan habang sakay sa pampasaherong dyip na minamaneho ni Rigor.

Sa hindi malamang dahilan, binaril ng mga suspek si Rigor at pinara naman ang pampasaherong dyip na minamaneho naman ni Tinio.

Pero nang nakasakay na ang mga suspek ay sadyang ibinangga ni Tinio ang kanyang dyip sa isang QCPD mobile patrol para makahingi ng tulong pero binaril din siya ng mga suspek.

Sa puntong ito nagbarilan na ang mga suspek at ang dalawang pulis na sakay sa mobile patrol.

Napatay si Hipolito at isang holdaper habang sugatan naman si Agitong.

Tumakas naman ang iba pag suspek pero inabot ng iba pang mga parak sa isang bakanteng lote sa Barangay Pasong Putik na humantong sa isa pang engkwentro.

Dalawa pang mga suspek ang napatay sa pangalawang engkwentro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply