3 holdaper tigbak sa mga parak sa Pampanga

PATAY ang tatlong holdaper makaraang makipagbarilan sa kagawad ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Barangay Pampang, Angeles City, Pampanga kaninang umaga.

Ayon kay PNP spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., ang tatlong napaslang ay pawang kasapi ng kilabot na Danny Muslim kidnap group.

Sa pahayag ng PNP-CIDG Region 3, nakipaghabulan at nakipagpalitan ng putok sa pagitan ng kanilang operatiba ang apat na mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo.

Nagawang makatakas ng isa sa mga suspek subalit pinaniniwalaang sugatan din kaya kasalukuyan na siyang pinaghahanap sa mga pagamutan na maaaring pagdalhan sa kanya.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar para sa kakikilanlan ng mga napaslang at paghahanap sa isa pang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply