3 mini truck sinunog ng NPA sa Misamis Oriental

SINUNOG ng limang miyembro ng Front Committee 4-B ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang tatlong mini dump trucks sa Barangay Mandangoa, Balingasag, Misamis Oriental.

Nabatid na ang nasabing mga sasakyan ay pagmamay-ari umano ni Engr. Roberto Abogado na siyang mister naman ni Vice Mayor Marrietta Roa-Abogado sa nasabing bayan.

Iniimbgestigahan pa ng awtoridad kung may katotohanang dahil sa kabiguang magbigay ng abogado ng revolutionary tax sa mga rebelde kung bakit sinunog ang mga sasakyan.

Nabatid pa na noong nakaraang linggo pa umano hiningian ng posibleng revolutionary tax si Abogado.

Kaugnay nito, mayroong pa umanong natitirang puwersa ang NPA sa lalawigan kaya dapat maging mapagmatyag ang lahat ng kanilang nasasakupan laban sa mga kaaway ng estado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply