3 patay, 1 malubha sa aksidente sa Isabela

NASAWI ang tatlong lalaki habang nasa malubhang kalagayan ang isa makaraang maaksidente habang ginugunita ang Biyernes Santo sa Barangay General Aguinaldo, Ramon, Isabela.

Nabatid na dakong alas-2:30 kahapon nang dumaan sa check point sa nabanggit na barangay partikular malapit sa Magat high dam ang dalawang motorsiklo na isang Suzuki raider na may plakang 3409 BQ at Honda TMX na may plakang 1164 BQ na lulan ang apat na lalaki.

Mabilis ang patakbo ng mga lulan nito at paglampas ng checkpoint, dito humarurot ang dalang motorsiklo na mistulang nagkarerahan.

Dahil sa mabilis ang patakbo ng motorsiklo hindi nila napansin ang sharp curve at nawalan ng kontrol, dahilan upang silay magbanggaan at humampas sa concrete barrier.

Kinilala ang mga dead on arrival sa pagamutan na sina Jessie Reyes, 20; Chris Ivan Gorospe, 18; habang namatay naman sa pagamutan si Gaudencio Del
Rosario, 64; taga-Dallao, Cordon, Isabela.

Habang nasa malubhang kalagayan si Christian Del Rosario, 20, taga-Dallao, Cordon, Isabela rin.

Nabatid pa na ang mga biktima ay galing sa Magat dam at nasa impluwensiya ng nakakalasing na inumin.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply