3 patay sa HIV-AIDS nitong Marso– DOH

TATLO katao ang iniulat ng Department of Health (DOH) na namatay dahil sa sakit na HIV-AIDS infection nito lamang buwan ng Marso, ng kasalukuyang taon.

Batay sa HIV and AIDS Registry ng DOH-National Epidemiology Center (NEC) para sa Marso, 2012, nabatid na dalawang lalaki at isang babae na nagkaka-edad ng 25, 33 at 42 taong gulang ang namatay sa nasabing sakit.

Hindi naman na ibinunyag ng DOH ang pagkakakilanlan ng mga AIDS victim para sa proteksiyon ng mga ito at ng kani-kanilang pamilya.

Bunsod ng tatlong bagong HIV-AIDS deaths, umaabot na sa limang katao ang naitatalang namatay dahil sa naturang sakit ngayong unang tatlong buwan lamang ng taong 2012.

Una nang iniulat ng DOH na isang pitong taong gulang na batang lalaki ang namatay sa sakit noong Enero habang isang 41-taong gulang na lalaki naman noong Pebrero.

Nabatid na ang tatlong HIV-AIDS deaths ay kabilang sa 313 bagong kaso ng HIV-AIDS na naitala ng DOH nitong Marso, kung saan 17 ang kumpirmadong AIDS cases na nang maiulat sa kagawaran at 16 sa mga ito ay mga lalaki, habang isa naman ang babae.

Ayon sa DOH, ang naturang bilang ng mga bagong kaso ng sakit ay mas mataas ng 82 porsiyento kumpara sa naitalang 172 kaso ng sakit sa kahalintulad na buwan noong 2011.

Ito na rin umano ang pinakamataas na bilang ng kaso ng sakit na naitala ng registry sa loob lamang ng isang buwan.

Ang mga nagkasakit ay may age range na mula dalawang taon hanggang 81 taong gulang, at ang 47% o 146 kaso ay mula sa National Capital Region (NCR).

Karamihan sa mga bagong kaso na nagkasakit ay mga lalaki (93%).

Ang 280 sa mga bagong biktima ay nahawa ng sakit dahil sa sexual contact, 31 ang nahawa sa paghihiraman ng karayom na ginagamit sa pagtuturok ng illegal na droga at isa ang nagkaroon ng mother to child transmission o pagkahawa ng anak mula sa kanyang ina.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply