3 programa magbubukas ngayong araw sa Kapamilya Network

TATLONG malalaking programa ang magbubukas ngayong araw sa Kapamilya Network.

Dalawa rito ang kabilang sa Primetime Bida habang ang isa naman ay sa Kapamilya Gold.

Bongga-bonggang ang “Kung Ako’y Iiwan Mo” nina Jake Cuenca, Bangs Garcia at Shaina Magdayao dahil shinoot pa ito sa Doha, Qatar.

Abangan ang kakaibang istorya ng “KAIM” na tumatalakay sa buhay ng mga OFW sa ibayong dagat.

Sa Primetime Bida naman, abangan ang magarbo at grandyosong pagbubukas ng “Princess and I” na pagbibidahan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Kalil Ramos at Enrique Gil.

Makakasama rin nila sa cast ang mga batikang artista gaya nina Albert Martinez, Gretchen Barreto, Dominic Ochoa at mara pang iba.

Super bongga ang Princess and I dahil ginawa ito sa Bhutan at ginastusan ng lubos ang wardrobe nito.

Sabayan ang indak at kantahan ng “Dream High,” ang pinaka-successful na Korenaovela noong 2011.

Pinagbibidahan ito ng ilang sikat na Korean singer/actors and actresses na mula sa grupong “Miss A,” T’Ara at 2PM.

Abangan ang nakatutuwang kwento at subaybayan ang pag-abot sa pangarap ng mga bida sa Dream High after PBB Teens Season 4.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply