3 pusher arestado sa 1 kilo ng shabu

ARESTADO ang tatlong pusher na nakumpiskahan ng isang 1 kilo ng shabu sa isinagawang raid ng awtoridad sa Novaliches, Quezon City kaninang tanghali.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District District Anti Illegal Drug (QCPD-DAID), sinalakay ng mga tauhan ng pulisya ang isang bahay sa Luke St., Sucila Subd., Brgy. Kaligayahan, nasabing lungsod, dakong 12:00 ng tanghali kanina.

Kinilala ang mga dinakip na sina John Eric Urian, Marilou Hernandez at Anabel Perol.

Una rito, sinalakay ng awtoridad ang isang bahay sa naturang subdivision matapos makakuha ng impormasyon sa kaso ng ilegal na droga.

Bukod sa tatlong nadakip, nakuha rin sa isinagawang raid ng pulisya ang isang kilo ng shabu.

Dinala na ang mga suspek sa Kampo Karingal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply