3 road accidents: 44 sugatan

TINATAYANG 44 katao ang nasugatan kasama na ang tatlong nasa malubhang kondisyon sa mga naganap na magkakahiwalay na aksidente sa Romblon, La Union at Benguet, ayon sa ulat ng the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw.

Sa Romblon, isang overloaded passenger jeep ang nahulog sa sa isang talampas kahapon (Abril 15).

Base sa inisyal na imbestigasyon, ang naturang dyip ay minamaneho ni  Cresencio Malavega, 58, na may 25 pasaherong kasama ang konduktor nang mahulog ito sa 20 hanggang 30 talampakang talampas.

Malubhang nasugatan sina Flordeliza dela Cruz, 68; Milagros Muyo, 68; Kathleen dela Cruz, 21 na isinugod sa Romblon District Hospital.

Samantala, sa La Union, isang Baguio Bus Line (AVW-176) ang nadiskaril sa matarik na kalsada sa Naguilian Road, Sitio Gabor sa Brgy. Old Poblacion, Burgos.

Nasugatan sa naturang insidente sina Roel Ramiscal, konduktor, 29; Realyn Dulay, 28; Gloria Nudas, 53; Corazon Costales, 51; Pricila Bambico, 72; Mc Liandel Florendo, 17; Jenalyn Dungan, 26;Ryan Balancio, 29; Florin Gatchalian, 25; Lourdes Soniega, 32; Mary Jane Manzano, 38 at Jhon Michael Gatchalian, 4.

Pito katao naman ang nasugatan makaraang mawalan ng kontrol ang isang Isuzu jeep patungong Dagupan.

Nabatid na nawalan ng brake ang naturang sasakyan sa may Badiwan, Poblacion, Tuba, Benguet.

Napuwersang ihinto ng drayber ng dyip na si Danilo Cerna at ibinangga na lamang nito sa isang  gate malapit sa commercial area.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply