3 suspek sa panloloob sa bahay ng Banco Filipino owner nadakip

BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad ang tatlong sa mga suspek sa panloloob sa bahay ng may-ari ng Banco Filipino sa BF Homes, Las Piñas City noong Abril 7, kung saan napatay ang tatlong tauhan ng negosyante.

Batay sa ulat, nadakip ang mga suspek sa ikinasang follow-up operation sa nabanggit na lungsod at sa Parañaque City.

Nakatakdang iharap sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang tatlong suspek mamaya.

Noong Abril 7, napatay ang tatlong security detail ni Bobby Aguirre na sina David Manguera, PO3 Luisito Macatunao at retired PO2 Melvin Padacan nang pasukin ng may sampung armadong kalalakihan ang bahay ng negosyante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply