3 tagapagsalita ng PNP oks sa Malakanyang

WALANG nakikitang masama ang Malakanyang kung may tatlong tagapagsalita ngayon ang Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte na napakahirap maging tagapagsalita ng PNP lalo pa’t kailangan na maging transparent ang kapulisan sa publiko.

“Baka minsan hindi kinakaya ng spokesman ng PNP ang load. It’s time he got help from other people,” ani Valte.

Maliban pa sa kailangan na ang “internal matter” ay maipaalam ng PNP sa publiko ang kanilang operasyon.

Nauna rito, noong nakaraang linggo ay ipinakilala ang tatlong tagapagsalita ng PNP at ito ay sina:

* Chief Superintendent Lina Sarmiento, head of the Directorate for Police Community Relations

* Chief Superintendent Agrimero Cruz Jr., director of the Police Community Relations Group (PCRG)

* Senior Superintendent Generoso Cerbo, the newly-designated head of the Public Information Office.

Subalit sinabi ni PNP chief Director General Nicanor Bartolome na si Cerbo ang tatayong overall sa police-media relations.

“Will have to meet, to discuss coordination so that there will be no overlapping of duties and conflicting statements on issues,” ani Bartolome.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mayroong tatlong tagapagsalita ang PNP.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply