3 Taiwanese, Pinoy timbog sa ‘call bypass’ operations

NAARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) Computer Crimes Unit ang tatlong Taiwanese at isang FIlipino sa tatlong condominium unit sa Makati City na inireklamo ng isang telecommunications company dahil sa illegal na operasyon ng “call bypass” kahapon (Abril 2).

Ang call bypass ay isang proseso na naililihis ang mga mga tawag bago pa makarating sa international gateway facility kaya sa halip na papasok bilang international call nagiging local calls ang mga tawag kaya hindi nakokolekta ang bayad ng mga telecom company.

Nakuha sa lugar ang libo-libong sim card, at GSM equipment gaya ng sim box at router cable.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply