3 website ng PHL inatake ng Chinese hackers

TATLONG website ng pamahalaan ang hinihinalang inatake ng mga pinaniniwalaang Chinese hackers

Ayon sa Malakanyang, kabilang sa mga inatakeng website ay ang President’s Official Gazette (www.gov.ph), Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (www.pcdspo.gov.ph) at ang www.malacanang.gov.ph.

Ang mga naturang websites ay mini-maintain ng communications team ni Pangulong Noynoy Aquino III.

Ayon sa Palasyo, base sa mga impormasyon na kanilang nakalap, ang Internet Protocol (IP) ay mula sa Chinese networks kaya malakas ang kanilang hinala na mga Chinese hacker ang umatake sa tatlong websites ng gobyerno.

Nangyari ang pag-atake matapos ihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na idudulog na nila sa Amerika ang isyu ng Bajo De Masinloc o Scarborough Shoal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply