300 bahay ayuda ng simbahan sa Sendong victims

MAHIGIT 300 pamilya sa Diocese ng Iligan, na pawang biktima ng bagyong Sendong ang nabiyayaan ng sariling tahanan sa ilalim ng housing project ng Caritas Manila at Archdiocese of Manila.

Ayon kay Msgr. Jemar Vera Cruz, Vicar General ng Diocese of Iligan, 300 housing units ang kauna-unahang naipatayo sa lupang ipinagkaloob ng Diosesis.

“Maraming pamilya ang makikinabang, ang ginawa natin ay row houses, in one row we have 8 houses, marami yung mga kababayan natin dito na natutuwa at nagagalak kasi this is the first time that we turn over a permanent housing for our survivors,” ang pahayag ni Msgr. Vera Cruz, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Kaawa-awa anya ang sitwasyon ng mga taga-Iligan dahil halos apat na buwan na rin silang naninirahan lamang sa mga tent kaya malaking biyaya ang pagtulong ng Caritas Manila sa pangunguna ng Executive Director nito na si Fr. Anton Pascual.

Samantala, patuloy pa rin naman ang apela ng diyosesis dahil aabot sa 300 pabahay ang kinakailangan pa na maitayo mula sa 5,000 bahay na kailangan ng mga biktima.

Inihayag naman ni Pascual, na siya ring pangulo ng Radio Veritas, na isang malaking pagkakataon ang matulungan ang mga biktima ng bagyong Sendong sa Diocese ng Iligan

Patuloy namang umaasa ang mga taga-Iligan na masusundan pa rin ang proyektong ito lalo na at halos 6,000 pamilya ang nangangailangan ng tirahan matapos salantain ng bagyo noong Disyembre ng 2011.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply