3,000 I-card ng mga dayuhan hindi kinukuha sa BI

INAALIKABOK na sa tanggapan ng Immigration Executive Director ang mahigit 3,000 kopya ng Identity Card (I-card) ng mga dayuhan.

Dahil dito, nanawagan si Bureau of Immigration Executive Director Eric Dimaculangan sa mga dayuhang nag-apply sa nasabing dokumento na kunin na ang kanilang alien certificate of registration identity card (ACR I-Card) sa kanyang tanggapan.

Aniya, napakahalagang dokumento ng I-card dahil ito ang magpapatunay na ligal ang pananatili ng mga dayuhan dito sa Pilipinas

Binabayaran ang I-card ng mga dayuhan, maliban sa mga turista, na may hawak ng immigrant at non-immigrant visas. Maaaring maging kapalit ito ng kanilang pasaporte habang nananatili sa Pilipinas.

Ang I-card ay kailangang ipakita sa mga pambansang paliparan kung ang isang dayuhan na may tangan nito ay aalis o papasok ng bansa. Sakaling dumating o umalis ng Pilipinas ang isang dayuhan nang hindi dala ang kanyang I-card, ibabalik sa tourist visa ang kanyang kalagayan sa Pinas.

Sinabi ni Dimaculangan na maaaring malaman ng dayuhan sa kanilang website na: www.immigration.gov.ph kung pwede nang makuha ang kanilang I-card sa kanyang tanggapan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply