32 katao nalason sa nilantakang suman

NALASON ang 32 katao matapos kumain ng suman o rice cake sa Puerto Princesa City sa Palawan, ayon sa ulat kaninang umaga ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa ulat ng NDRRMC kaninang alas-otso ng umaga, sinabi na karamihan sa nalason ay empleyado ng Palawan Provincial Capitol sa Puerto Princesa City.

Ang mga isinugod sa ospital sanhi ng pagsusuka, pagkahilo, pananakit ng tiyan ay sina Daisy Tubi, 32; Rosita Garcia, 55; Nelia Sadet, 55; Sonia Alaska, 39; Melissa Rambawa, 43; Anes Castor, 54; Rosalie Baldanaza, 40; Arlene Samarita, 39; Miguela Carbronero, 53; Cecilia Melendrez, 55; Joraine Balcosantos, 39; Judith Sarol, 42; Monaliza Bacosa, 27; Maria Lampitoc, 53; Ely Laurente, 55; Malou dela Cruz, 47; Cristina Parcia, 57; Lolita Morales, 39; Florabel Bandenosa, 54; Rosalina Natulia, 54; Sonia Segonia, 43; Vanessa Ustares, 41; Aisy Gallego, 22; Laudencia Bonggat, 65; Michelle Semblante, 23; Hely Karl Villaver, 16; Nicole Semblante; Wilson Capitulo, 45; Emmanuel Bonggat, 34; Nerio Semblante, 30; Wendy Basco, 21 at si Gabriel Basco, 3-anyos.

Nakiki-pagkoordinasyon na ang Office of Civil Defense sa provincial health officials para imbestigahan mabuti ang insidente, at maipadala ang food samples sa Food and Drug Administration para masuri.

Pinuntahan na rin ng health officials sa probinsya ang suman vendor para matignan kung ang working area nito ay malinis at malayo na makontamina ang pagkain.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply