36 puntos ni James walang bisa

TINALO na ng Boston Celtics ang Miami Heat sa nakaraan nilang paghaharap dahil sa depensa, ngayon opensa naman ang sinadalan ng una upang muling talunin ang huli, 115-107 sa nalalapit ng magtapos na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) elimination round kaninang umaga.

Umarangkada ng 27 puntos, pitong rebounds at dalawang assists si Paul Pierce habang bumakas ng 24 points, nine boards at tig dalawang assists at blocks si Kevin Garnett upang ilista ng Celtics ang 33-24 win-loss record at manatiling nasa tuktok ng Atlantic division.

”It’s a game of runs,” wika ni Pierce. ”You have one of the best teams in the NBA at home. You know they’re going to make a run. That’s what makes them who they are. They know how to turn it on. We did a good job of holding their runs to a minimum.’

Nakapag-poste naman si Rajon Rondo ng 18 pts. at 15 assists kung saan ay 18 sunod na double digits ang tinarak nito para sa Boston.

”We talk about it in fighting terms,” ani Celtics coach Doc Rivers. ”We told them today before the game, you’re in a boxing match, you expect to get hit. They’re going to hit you. They did and we withstood it. I thought that was important for our
team.”

Hindi naman sapat ang 36 points at tig seven rebounds at assists na ginawa ni Heat star player LeBron James dahil natamo ng kanyang koponan ang ikalawang-sunod na kabiguan sa Boston kung saan ay natalo sila noong Abril 1, 91-72.

”We left Boston feeling awful at our performance,” sabi ni James. ”I don’t feel as  bad tonight. Those guys, they were locked in. Not only did they make their open shots, they made their contested shots. … When you’ve got it going like that, just tip your hat off. We tip our hat off to them tonight. They won it.’

Si Dwyane Wade ang second top scorer sa Heat na may 20 markers limang assists at tatlong steals habang sinundan siya ni Mario Chalmers na may tiniradang, 18 pts. at tig tatlong rebounds at steals.

”When they shoot like that, it’s going to be tough to beat them,” wika ni Wade. ”Obviously, we can always do things better. But give them credit.”

Samantala, matapos kumalas ni Lamar Odom sa Dallas Mavericks ay nakatamo naman ang defending champion ng panalo kontra sa Sacramento Kings, 110-100.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply