38 patay, 78 sugatan sa Semana Santa

UMAKYAT na sa 38 ang namatay at 78 ang sugatan kaugnay ng nagdaang Semana Santa.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamarami ang nasawi dahil sa pagkalunod at mga aksidente sa daan.

May 18 ang naitalang nasawi dahil sa pagkalunod, kung saan kasama ang isang Romanian tourist.

Nalunod ang turista matapos tumalon sa Tappia Falls sa Banaue, Ifugao.

Nasa 10 naman ang namatay dahil sa aksidente sa sasakyan, kung saan tatlo rito ay sa Bayombong, Nueva Ecija.

Tatlo rin ang nasawi dahil sa sunog, kung saan kasama ang isang lola at dalawang apo na taga-San Mateo, Rizal.

Isa ring turista ang namatay dahil sa sobrang pag-inom ng alak sa Puerto Galera, samantalang tatlo pa ang nawawala dahil sa lumubog na bangka sa Agusan del Norte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply