.3M toneladang bigas nasasayang taon-taon

UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na huwag mag-aksaya ng kanin.

Ito’y makaraang ihayag ng International Rice Research Institute (IRRI) na 300,000 toneladang bigas ang nasasayang bawat taon.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, maaari namang kainin kung isasangag ang kaning hindi naubos para muling makain sa susunod na kainan.

“Sana mapababa ang wastage na ‘yan. This is something we can all help with,” anito.

Aniya,  mas makabubuti kung babaguhin ng mga Filipino ang consumption pattern nila sa pamamagitan ng pagpili ng alternatibong pagkain upang mabawasan ang rice consumption.

Ayon sa kanya, maaaring gawing alternatibo ang kamote (sweet potato).

Sa ganitong paraan, aniya, makatutulong ang taumbayan sa pagsisikap ng gobyerno na mabawasan ang rice importation kung saan ang Pilipinas ang pinakamalaking importer ng bigas sa buong mundo.

Nauna nang inihayag ng IRRI na makatutulong sa layunin ng Pilipinas na maging se-sufficient sa pamamagitan ng hindi pagsasayang.

Ayon sa kanilang tala, limang tasa ng kanin ang niluluto araw-araw ng mga Pilipino ngunit siyam na gramo ay nasasayang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply