4 bagong uri ng alimango nadiskubre sa Palawan

NADISKUBRE ng mga eksperto ang apat na bagong uri ng alimango sa Palawan.

Nabatid na kakaiba ang kulay at tila laruan lamang ang bagong diskubreng alimango sa isla ng Palawan.

Isa sa apat na alimango ay kulay ube (violet) ang katawan habang ang sipit naman nito ay may pagkakulay kahel (orange).

Ayon pa sa mga eksperto, mas malaki ang balikat at sipit ng nasabing alimango kaysa sa pangkaraniwang nakikita natin.

Ang nasabing bagong species ng alimango ay sinasabing sa Pilipinas, partikular sa Palawan lamang makikita.

Pinag-aaralan pa ng mga eksperto ang apat na bagong uri ng alimango.

Kasabay nito, nanawagan ang mga eksperto sa publiko na pangalagaan ang naturang yamang-dagat para sa mga susunod na henerasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply