4 holdaper todas sa parak sa Lucena City

DEDO ang apat na hinihinalang holdaper makaraang makipaglaban sa mga pulis sa Barangay Gulang Gulang, Lucena City, Quezon kaninang madaling araw.

Una nang nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na isang grupo umano ang magsasagawa ng holdap sa naturang lugar kaya’t naglatag sila ng checkpoint.

Nang dumaan sa naturang lugar ang isang Toyota Innova na walang plaka, sa halip na huminto, sinagasaan nito ang checkpoint.

Hinabol ng mga awtoridad ang mga suspek at doon naganap ang palitan nila ng putok kung saan tinamaan ang tatlong hindi nakilalang suspek na agad namang ikinamatay ng tatlo habang ang isa ay naitakbo pa sa ospital ngunit binawian din ng buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply