4 kelot kulong sa baril, samurai at balisong

SWAK sa kulungan ang apat na lalaki matapos mahulihan ng baril, samurai at balisong habang ang isa nambato ng mga pulis sa Caloocan City kaninang umaga.

Si Danilo Cruz, 41 ay nahaharap sa kasong Illegal Possession of Firearm habang Illegal Possession of Deadly Weapon naman ang kaso nina Dennis Santos, 41 at Garciano Dante, 48. Direct Assault naman ang ikinaso kay Boyet Mendoza, 43 pawang ng Sangandaan ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga, nakatanggap ng tawag ang mga pulis na may grupo ng kalalakihan na nasa loob ng sementeryo sa nasabing lugar at may dalang baril at patalim.

Nang respondehan ay inabutan ng mga pulis ang mga suspek na nakuhan .38 kalibre ng baril na walang lisensiya, samurai at balisong habang dinakip din si Mendoza nang pagbabatuhin ang mga una.

Inaalam na ng mga pulis kung sangkot sa mga masamang gawain ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply