4 na pool sa Maynila bukas sa publiko

BUKAS na sa publiko ang apat na pampublikong swimming pool ng lungsod ng Maynila bilang tugon sa panganib na dulot ng paglangoy sa maruming Manila Bay.

Ito naman ang tiniyak ni Manila City Administrator Jesus Mari Marzan kasabay ng pagdagsa ng mga taong nais na mag-swimming sa Manila Bay dahil na rin sa tindi init ng panahon.

Ayon kay Marzan, libre ang apat na swimming pool ng city government na nasa Army-Navy, Bagong Buhay, Dapitan Sports Complex at Tondo Sports Complex.

Sinabi ni Marzan na mas makabubuti kung sa mga nasabing swimming pool na lang maglalangoy ang mga nais na maligo upang makaiwasan sa anomang sakit na nakukuha mula sa maruming tubig ng Manila Bay.

Giit ni Marzan, na hindi na rin dapat na isama sa pagligo sa Manila Bay ang mga bata na madaling kapitan ng sakit.

Aniya, mas ligtas sa mga pool dahil bukod sa nilalagyan ito ng chlorine upang maalis ang mga kemikal, may sapat na bantay na nakatalaga rito.

Paliwanag ni Marzan, hindi malayong magkasakit ng diarrhea, iba’t ibang skin disease at eye infection ang mga lumalangoy sa Manila Bay dahil polluted ang nasabing lugar.

Umapela din si Marzan sa mga nagsu-swimming sa Manila Bay na isaalang-alang ang kanilang kalusugan lalo pa’t gumagawa ng  precautionary measures ang city government.

Sa katunayan, nilagyan na ng pader at harang ang Manila Bay para hindi na mapasok at matiyak ang seguridad ng mga namamasyal subalit binabalewala ng publiko.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply