4 natusta sa sunog sa Taguig City

TINATAYANG apat na ang namatay sa sunog sa Macapagal Street sa Barangay Pinagsama, Taguig City.

Nabatid na nagsimula ang sunog bandang alas-5:35 Linggo ng hapon na umabot lamang sa unang alarma kung kaya ikinagulat ng  mga residente nang makita ang sunog na bangkay ng mga biktima na kinilalang sina Marcos Benito, 44-anyos; Michael Hortelano, 22; Jayred Lance Denna, 2; at Leila Jenine Denna, 4.

Itinuturong ang sumingaw na tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa bahay ng mga biktima ang pinagmulan ng sunog.

Ayon sa ina ng dalawang batang namatay na si Aling Melanie, nagpabili siya ng LPG sa kanyang pamangkin na si Michael pero hindi ito makabit nang maayos sa kanilang kalan dahil sa loose thread umano ito.

Tinawagan aniya niya ang kapitbahay na si Marcos para ipaayos ang LPG habang nagluluto naman siya sa labas gamit ang kalan na de uling.

Pinayagan naman silang ibalik sa tindahan ang tangke pero bago pa ito maalis sa pagkakakabit sa kalan ay sumiklab na ang apoy na maaaring dulot na rin ng kalapit na kalang de uling.

Babalikan pa sana niya ang dalawang anak, pero pinigilan na siya ng mga kapitbahay.

Nangako naman ang retailer ng LPG na kokomprontahin niya ang dealer ng M-Gas na nagsusupply sa kanya ng mga tangke.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply