4 paslit patay sa diarrhea outbreak sa GenSan

TINATAYANG apat na paslit ang binawian ng buhay sa diarrhea outbreak na tumama sa General Santos City mula Marso 30 hanggang 19,  ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sa kanilang report na inilathala sa kanilang website kagabi (Abril 27), 243 na ang apektado ng naturang sakit kabilang ang 134 na mga batang may edad na 10 pababa.

Ayon pa sa report, 175 katao ang apektado sa Purok Saludin Brgy. Labangal village habang 45 naman ang naapektuhan sa Purok Salafan  Brgy. Apopong at 23 naman sa Purok Mudia sa Brgy. Labangal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply