4 rebelde todas sa engkwentro sa Quezon

TODAS ang apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) makaraang makaengkuwentro ang tropa ng pamahalaan sa Lopez, Quezon ngayong hapon.

Ayon sa ulat, nilusob ng puwersa ng Philippine Army 85th Infrantry Battalion ang barangay Peñafrancia nang makatanggap ng impormasyon na may grupo ng rebelde sa nasabing area.

Agad na rumesponde ang mga sundalo at dito na nagsimula ang palitan ng putok ng magkabilang panig.

Pagkatapos ng ilang minutong putukan, apat ang nalagas sa panig ng rebelde habang wala naman sa panig militar.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply