4 timbog sa drug operation ng PDEA

ARESTADO ng tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang apat miyembro ng drug syndicate sa isinagawang drug operation sa magkahiwalay na lalawigan sa ulat ng ahensya.

Sa isinagawang drug operation, unang nadakip ang magpinsang miyembro ng family drug syndicate na Espelota Drug Group sa Pangasinan.

Batay sa report ng PNP-Region 1, naaresto ang mga suspek na sina Jayson Espelota at ang pinsan nitong si Jerilyn Espelota habang nagbebenta ng shabu.

Sa report, ang magpinsan ay matagal nang sinusubaybayan dahil sa pagbebenta at paggamit ng iligal na droga.

Samantala nadakip din ng tauhan ng PDEA sa buy bust operation ang dalawang miyembro ng notoryus na sindikato ng droga na nag-o-operate sa Legazpi City, Albay.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose Gutierrez ang suspek na si Homer Quiogue, miyembro ng Baniaga Drug Group at ang kasabwat nitong si Allan Almayda alyas “Kalaw”.

Nadakip ang dalawang  suspek matapos ang drug deal sa mga ahente ng PDEA na nagpanggap na mga buyer ng shabu.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply