4 tusta sa sunog sa Rizal

TINATAYANG apat katao ang nasawi habang anim ang nasugatan makaraang masunog ang isang subdivision sa Cainta, Rizal province.

Ayon sa 7 a.m. report ng NDRRMC, naganap ang sunog bandang alas- 4:17 ng umaga ng Martes sa 542 Champaca Street, Greenland Subdivision, Phase 4, Barangay San Juan.

Nakilala ang mga nasawi na sina Gary Nepomucino, 46; Juliet Nepomucino, 62; Francine Nepomucino, 4; Butchay Nepomucino, 2.

Habang nakilala naman ang nasawi na sina Mamerta Nepomucino, 84; at Ligaya Nepomucino, 58.

Ayon pa sa ulat ng NDRRMC, sinira ng naturang sunog ang bungalow type na bahay at naapula lamang bandang alas-4:55 ng umaga.

Sinasabing P800,000 ang nasirang ari-arian ng naturang sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply