40 tindahan ng pirated DVDs ipinasara ng OMB

UMABOT sa 40 tindahan ng mga pirated DVD ang naipasara ng Optical Media Board (OMB) sa Metrowalk Ortigas, Pasig City  kahapon (Abril 2).

Sa report, pati sa mga tindahan ng pagkain ay nakakita ang OMB ng mga nakatagong pirated DVDs, malapit sa lutuan.

Sinalakay rin ng OMB ang CW Home Depot, kung saan marami ring nakumpiskang pirated DVDs.

Matatandaang paulit-ulit na ang ginagawang pag-raid sa nasabing mga lugar ng OMB ngunit patuloy pa ring nagkalat ang mga piniratang DVD doon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply