5-anyos dinaliri ng 65-anyos na kapitbahay

KALABOSO ang isang lolo matapos ipagharap ng reklamo ng magulang ng isang limang taong gulang na babae sa Sitio Cabangcalan I, Bgy. Bulacao, Cebu ng pangmomolestiya.

Sa report, kinilala ang suspek na si Isaac Tinales, 65, residente ng nasabing lugar na kapitbahay ng biktima.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Socrates Bacalso, desk officer ng Pardo Police Station, dinampot ng mga tanod ng barangay ang suspek makaraang nagreklamo ang ama ng biktima na isa ring tanod.

Sinabi ng ama ng biktima na umuwi na lang ang kanyang anak na umiiyak kasama ang walong taong gulang na nakatatandang kapatid.

Isinalaysay ng kapatid ng biktima ang nangyari at sinabi nito na binigyan ng pera ng suspek ang bata para sumama sa loob ng kanyang pamamahay ngunit nang lumabas ang biktima ay nag-iiyak na.

Sinasabing minolestiya ng suspek ang bata sa pamamagitan ng pagpasok ng kanyang daliri sa ari ng biktima.

Isinugod naman sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang biktima at lumalabas sa pagsusuri na positibong ginalaw ang ari ng bata.

Nakapiit na sa Pardo detention cell ang suspek habang inaasikaso ang kasong rape na isasampa sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply