5 bata sugatan sa napulot na IED sa Zamboanga

LIMANG bata na pawang mga menor de edad ang nasugatan, kabilang ang isa na nakatakdang ptulin ang braso matapos na sumabulat ang hinihinalang improvised explosive devise (IED) na kanilang napulot sa Zamboanga City kagabi, ayon sa ulat ngayon.

Ayon sa report na isinumite ng Zamboanga City Police Office (ZCPO) bomb squad team, isang IED ang sumabog bandang alas-6:00 ng gabi sa may Barangay Lunzuran sa siyudad.

Isa sa limang batang biktima ang nakatakdang putulin ang kamay habang nasa stable na kondisyon na ang apat pang mga bata.

Napag-alaman na dalawang bata ang inilipat at naka-confine sa Zamboanga City Medical Center (ZCMC) habang ang tatlo pang iba ay nasa pribadong ospital

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply