5 holdaper arestado sa Caloocan

SWAK sa kulungan ang limang holdaper matapos holdapin ang isang pasahero ng dyip sa Nangka Road, Caloocan City, kaninang madaling araw.

Nakapiit na ngayon at nahaharap sa kaso ang mga suspek na sina James Aquino, 28; Gilbert Sacil y Albao, 24; Romel Presado, y Balachica, 20; Manuel Anzale, y Caldena, 19 at Jeff Kensley, 18, pawang miyembro ng Commando Gang at mga residente ng Malabon at ng naturang lungsod.

Base sa reklamo ng biktimang si Maria Venice y Haloot, 19, estudyante at taga-San Diego St., Flamengo Panghulo Malabon City, sapilitang inagaw ng mga suspek na nagpanggap na pasahero ang kanyang bag.

Sa imbestigasyon, dakong 12:30 kaninang madaling araw nang maganap ang panghoholdap sa biktima.

Sumakay si Venice sa dyip sa may Monumento (patungong Paco Bulacan) ngunit pagsapit sa nasabing lugar ay nagdeklara holdap ang mga suspek gamit ang patalim at inagaw ang bag ng biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek pagkatapos ang panghoholdap.

Nakuha sa biktima ang mga personal na gamit gaya ng mamahaling cellphone at P3,000 cash.

Agad nagtungo ang biktima sa malapit na himpilan ng pulis at sa isinagawang follow up operation, naaresto ang limang suspek at nabawi ang mga nakuha sa biktima.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply