50 pawikan kinatay ng 12 Vietnamese sa Sulu

ARESTADO ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang 12 mangingisdang Vietnamese na nakasakay sa isang bangkang pangisda ng Malaysian sa Sulu makaraang kumatay ng 50 pawikan sa Sulu.

Ayon kay PCG Lt. Ludovico Librilla, Jr., magsasagawa sana sila ng search and rescue operation sa M/L Windolyn nang maispatan ang apat na foreign fishing vessels, sa nasasakupan ng Pangutaran sa Jolo, Sulu.

Nakatakas naman ang tatlong barko patungong Malaysian.

Ani Librila, natagpuan nila ang iba’t ibang high-value reef fishes, shellfishes at invertebrates, kasama na ang mameng o Napoleon wrasse.

Natagpuan din ang 50 kinarneng pawikan at limang sako ng black corals.

Ang mga pawikan, black corals at mameng ay kinukonsiderang endangered at threatened species sa ilalim ng Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora.

Inihahanda na ng BFAR ang mga isasampang kaso laban sa mga mangingisda.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply