50 wins sa Bulls!

TANGING ang Chicago Bulls ang umabot sa 50 wins matapos kawawain ang Cleveland Cavaliers, 107-75 kaninang umaga sa naganap na 2011-12 national Basketball Association, (NBA) regular season.

Hindi na pinaglaro ni Bulls coach Tom Thibodeau si star player at reigning MVP Derrick Rose pati sina Luol Deng at Kyle Korver sa kanilang huling laro sa regular season ay nakuha pa nilang tambakan ang Cavaliers at ilista ang best record na 50-16 win-loss slate upang maging overall No.1 team.

”Our team responded to every challenge,” ani Thibodeau. ”We still have a long way to go. This is what you play for, to try to build all the right habits and give yourself the best chance to win in the playoffs. We are looking for the next challenge.”

Si bench player John Lucas ang nagtimon sa opensa ng Bulls na may tinikadang career-high 25 puntos, apat na assists at dalawang rebounds habang pumangalawa si starter Joakim Noah na may tig 13 points at Boards.

”We’ve been through a lot this year, a lot of adversity, a lot of guys being injured. We fought hard throughout. It was a tough season. A lot of games in a compressed season, but we put ourselves in the best position possible,” sabi ni Noah.

Sa linggo mag-uumpisa ang NBA playoffs.

Nakatakdang magharap sa Eastern Conference ang Bulls laban sa No. 8 Philadelphia 76ers; No. 2 ranked Miami Heat kontra No. 7 New York Knicks; Indiana Pacers, (No.3) at Orlando Magic, (No.6) at Boston Celtics, (No. 4) na makakaharap ang No. 5 na Atlanta Hawks.

Buo na rin ang top eight teams sa Western Conference.

Makakaharap ng WC top seed San Antonio Spurs ang Utah Jazz, (No.8) habang makikipag-date ang No.2 na Oklahoma City Thunder at defending champion Dallas Mavericks, (no. 7).

Kikilatisin naman ng No. 3 Los Angeles Lakers ang No. 6 na Denver Nuggets habang ang Memphis Grizzlies, (No. 4) ay susubukan ng Los Angeles Clippers, (No. 5).

Samantala sa ibang NBA resulta, pinaluhod ng Sacramento Kings ang Lakers, 113-96 habang naupos ang Heat sa Washington Wizards, 104-70.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply